top of page

PAGNINILAY

Pre-Novice Jordan Bitoon

AUGUST 08, 2015

 

PANANAMPALATAYA

 

Have you ever doubted your faith? Naranasan mo na bang pagdudahan ang iyong paniniwala? Ang iyong pananampalataya? Minsan ba, parang naiisip mong wala ang existence ni God? Minsan sa buhay ko, nagkaron ako ng ganoong pangyayari, ang pagdudahan ang aking pananampalataya sa Diyos, siguro dahil sa mga personal na problemang natural bilang isang tao. 

 

Habang pinag-iisipan ko ang pagninilay na ito, ako'y nakatingin sa bintana kung saan nakita ko ang ilan sa aking mga brothers na naglalaro ng basketball ng bigla kong maalala ang unang taon ko sa seminaryo. Hindi man halata pero sobra akong takot na mapalabas. Hindi maalis sa aking isispan na baka bukas o baka ora mismo, mapalabas ako. Kahit ngayong pang-apat ko ng taon dito, naroroon parin ang pagkatakot. Sa apat na taon na iyon, minsan nawalan na ako ng pagasa, at minsan ay parang nawawala na ang aking bokasyon. 

 

Ngunit sa lahat na aking napagdaanan na iyon, nanaig pa rin ang aking pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos. Massasabi kong sa apat na taon ko dito sa seminaryo ay lalong lumago ang pananampalataya at pagtitiwala ko sa kanya. Napagtanto ko rin na dapat ay hindi tayo mawalan ng pananampalataya sa Diyos. Maiuugnay ko ito sa kantang ginawa ng isa sa aking mga kasamahan dito. Ang pamagat ng kanta ay "Ang imahe ng paa sa buhangin." Bilang tao, ay meron akong dapat sundan upang makarating sa aking pinaroroonan, sa aking pupuntahan. Ang imahe sa buhangin, kung hindi tayo magiging alisto sa pagsunod, ay maaring lamunin ng alon at mawala. Akin ngayon itong iuugnay sa ating buhay. Kung malakas ang ating pananampalataya ay maari tayong sumunod sa kanya at gumawa ng bagong imahe ng paa upang lahat ay makasunod ng may pananampalataya. 

 

Magandang gabi sa ating lahat at nawa'y pagpalain tayo ng Diyos palagi.

 

 

PROVINCE OF THE MOST HOLY NAME OF JESUS OF THE PHILIPPINES

Order of St. Augustine - Vicariate of the Orient

COPYRIGHT 2015 BY THE AUGUSTINIANS OF THE VICARIATE OF THE ORIENT. All rights reserved.

bottom of page